Mrs. Letty Castillo on Mrs. Rosa Gaspar's 80th. birthday last February, 2006.  'Maraming Salamat po sa inyo for sharin
Mrs. Letty Castillo on Mrs. Rosa Gaspar's 80th. birthday last February, 2006. "Maraming Salamat po sa inyo for sharing your life experiences in the good old days !"
Rosa Gaspar RG - Letty Castillo LC Interview
March 2005
Interviewed by VBC
 
VBC    Ilang taon na po kayo
RG       79 ..
VBC    79 na po kayo?
RG       I will excuse your impertinence ..
(laughter)
VBC    Kayo po ?
LC       73 .. mag 74 ako next month
VBC    Ilan taon po kayo ng nagpunta kayo ng Mangagoy?
RG       When I went there 1951 .. 24 lang ako .. 25 ..
LC       1954 ako dumating doon eh .. 1931 .. so 23
 
RG       January ako 1951 .. there was only one boat plying from Cebu to Mangagoy .. that is the Lintian Peng .. Limpian Peng .... akala ko di na kami makarating .. ang gulo gulo .. pero I was not frightened then .. alam mo Let gumaganun ganun .. (big waves) yung bapor na yun
 
LC       Hindi pa natin alam .. natural yun ganun talaga,.
RG       Pero hindi ako natakot .. it was only when itong natakot ako nitong 1969 na kasama ko lahat ng anak ko .. walo na sila ..magbabakasyon .. naku po inabot kami ng bagyo .. nagsumpa ako na.. iligtas mo po kami Diyos ko .. hindi na ako magmamadyong… (laughter .. pero after one year nagmamadyong na ko) .. naku nagdistribute na sila ng life vests .. lahat ng mga anak ko disnistribute na dun sa malalaking .. mga tao
 
LC       lifeboats?
RG       hindi, malalaking mga tao ..
VBC    saan kayo papunta ?
 
RG       pauwi kami ng Mangagoy .. yung bapor na malalaki, from here up to Cebu .. from Cebu to Mangagoy yung maliit.. yung Lintian Peng .. yung eroplano .. yan na yung maliliit .. yung King Air .. yung Queen Air .. magpapareserba ka kay Letty
 
LC       Ako yung Nita Tolentino noon ..
VBC    so next question .. describe the place you first stayed in.
 
RG       well.. as far as I remember .. as far as I know .. bihira naman ako lumabas sa barrio .. in 1950’s daw.. sabi ni Kiel (husband) there were only existing seven families in Mangagoy .. Castillo, Abulgar, ..Sepe.. Picasales.. Comandantes..
 
VBC    sina Honorio Santos family?
RG       hindi .. yung tiga roon.. natives.. the seven families of Mangagoy .. they comprise the whole barrio of Mangagoy ..
 
LC       there was not even 500 people there ..
RG       ahh wala .. only seven families only .. si Polina .. these seven families owned     Mangagoy .. but the one who owned Mangagoy most is Castillo ..
 
LC       pati yung PICOP concession, PICOP property kay Castillo lahat yan..
RG       the Castillos owned most of the land when we were already there because before we came .. nabili niya yung lahat ng lupa ng a certain Mr. Ramos .. connected yun sa Education. Mayaman yun nabili ni Castillo murang mura lang.. so the seven families .. these are the people who owned houses in the barrio because they are natives there.. kami .. sa Bislig Bay Lumber Company Compound na kami..
 
VBC    akala ko Makalibre?
LC       wala yun doon
 
RG       walang Makalibre doon.. Makalibre is in Oriental Misamis yata yun.. that is an old mill .. where most of the pioneer employees came from .. dahil nagsara yun .. pero kay Soriano rin yata yun .. sina Castroverde.. yan ang Makalibere .. sina Villa .. yung mga nauna na nadatnan na namin. 
 
VBC    so lumipat lang sila sa BBLCI.
RG       na bagong tinayo.. ang manager noon ay si Jacobson .. nang nagresign si Jacobson doon .. ang inorganize naman niya yung LianggaBay Lumber.. hanggang ngayon still functional pa yata ang LianggaBay. Tapos kami.. there were seven bunkhouses noong primero.. each bunkhouse was comprised of seven rooms.. rooms lang! nandyan ang dining, nandyan ang kitchen, nandyan ang lahat… in each bunkhouse.. may isang common toilet na may dalawang butas doon.
 
LC       ganoon ba un? akala ko for the boys lang .. isang butas lang. 
RG       andoon yun sa dulo sa likod hanging sa river..
 
LCa     hindi ako nakapunta doon .. pero alam ko nandoon .. ang ginagawa namin ay gumagamit kami ng arinola .. tapos tinatapon namin sa suba .. kaya nagpapadala kami ng peryodiko na galing sa Maynila.. nagpapadala kami palagi ng peryodiko galing sa Maynila.
 
VBC                so seven bunkhouses with seven rooms .. so you were 49 there?
RG            one bunkhouse is the hospital. Dr.Virtucio ang unang unang doctor doon
LC       you can talk to Tita Erna (Mrs. Virtucio). Tapos dumating si Dr. Cruz.
 
RG       mahal na mahal ng mga tao doon .. pati si Rosie (Mrs. Olbes) .. pagkatapos hero siya noong pina anak niya si.. si Moises (Dr. Cruz) siya ang nagpa anak sa bunso ni Mrs. Castillo .. sineceasarian yun.. hero si Dr. Cruz .. the first ceasarian yun.. doon lang .. there was no way of transportation .. walang kotse, jeep.. walang kalsada papuntang Davao ..
 
LC       para ngang God forsaken place .. isolated talaga kami.
RG       dagat lang .. no roads ..only dagat .. going to the next barrio .. to Lawigan, to Hinatuan, Bislig .. bangka lang.
 
LC       inspite of the bangka .. nakikipista pa rin kami sa Bislig
RG       I was a teacher in Bislig, pagka pupunta kami, bagtas lang, lumalakad lang kami from Mangagoy to Bislig .. along the beach .. the only road is along the beach.
 
VBC  Government na kayo noon, Department of Education.
RG       Oo government na ako .. bilib na bilib sila sa akin .. na magtuturo ako .. hindi nila alam hindi ako marunong magsaing.. ung kanin ba.
 
VBC    Kayo yung nagsupervise ng BisligBayElementary School?
RG       Iba yun private yun.
LC       si Mrs Misa ang principal doon .. Mrs. Micu grade 1 and 2 yata .. ako grade 5 and 6 ang hinandle ko.. si Erna (Virtucio) sa gitna yata eh..
RG       noon wala pang supervision ang private pero lately before I retired sinupervise ko na pati Bosco.
 
LC       ang first graduate ko kasama si Noning Villa.. ginawa naming Valedictorian.. marunong naman talaga si Noning.
 
RG       Pero pagkatapos noon naging St. Margaret Mary na. 
LC       Run by RVN sisters.
 
RG       Sina sisters .. hindi pa sina Sister Rosalie ..
            There was nothing much to do except tsismis.. doon kami sa bunkhouse sa may hagdanan .. pag umaga doon kami sa bunkhouse… naghihinguto..ang dami kong kuto noon.. nagpapakuto ako sa tatlo para maraming makuha.
            Anything para sa mga babae.. the men were busy.. the women were not… so they were… manguto .. wala naman kaming mabibilhin .. ang mabibili lang namin doon ..eh planggaplangganang hipon .. ang dali dali namang ilaga nuon ..
 
LC       Yung isang baldeng malaki eh 3 pesos..
RG       Yung isang planggana piso .. yung malaking puti .. yun ang masarap na hipon.
LC       Pangit yung prawns .. matigas..
VBC    Nakatayo naba yung BisligBayElementary School pagdating ninyo?
 
LC       Wala pa hindi pa natayo yun.
RG       Gym lang muna yung tinayo.. the gym is not only for games.. sa gabi theater yun.. sinehan..
 
LC       Once a week every Saturday nanonood kami ni Vicente (husband) ng sine nagdadala kami ng sandwiches .. pero after some time ayaw na namin napanood na namin .. matagal na matagal na kasi yung film.
RG       Every month kasi nagpapadala sila nang film .. by plane .. yung six seater ..
VBC    Si Manoling Gonzalez yung pilot.
RG       Siya yung una.
 
RG       Sawmill yung umpisa as lumber company .. pero talagang unang operations ay logging .. nagbababa muna sila ng mga troso .. nang may logging truck na maghaharvest na nga .. ayun namatay si Glen Balch .. kapatid ni Balch .. naipit ba yun o ano… wala pa si Mr. Olbes… siguro batch sila dumating noon .. si Jacobson, si Balch, si Crawford, ..ang unang superintendent of the mill si Rasing .. ang pumalit kay Balch .. superintendent na sa logging ay si .. Naty ang asawa niya .. Americano … ang mga bahay doon sa lower camp.
LC       Kailan pinagawa yung bahay ni Olbes ..
RG      Kuwan na .. 1953..
 
LC       Kasi pagdating ko nandoon na yun eh .. si Olbes na ang manager .. pinalitan niya si Jacobson .. pareho silang mestizo at army… ang alam ko na overall na nagtitingin doon ay si CM Smith.
 
RG       Sa likod ng bahay ni Olbes si Smith .. doon sa banda dito niya, hanggang ngayon buhay pa yun, si Crawford.. tapos yung sa susunod .. yung kay Manoling na..
 
LC       ano yung position ni Mullat noon ..
RG       Shipping .. assistant niya si Bacosa… 
VBC    May pangalan ba yung chapel yung hospital
 
RG       Bislig Bay hospital.. may unang chapel yung malapit sa Bislig Inn ngayon .. yung kahoy lang .. doon sa may ilog ..sa likod ni Berna .. na naging bahay din nila Buenaventura.. yun ang unang chapel.. Yung Mangagoy Chapel, malaking contribution doon ni Rosie .. kaming dalawa ang nangongolekta… Pari noon si Fr. William. Hanggang ngayon nandoon yun .. doon pa rin binuburol yung mga nangangamatay na employees.
 
LC       Yung opisina naming una yung nasa papuntang sawmill .. opisina ni Olbes.. tapos makikita doon yung bodega, warehouse, tapos yung harap noon main corridor na ganoon. .. sa harap .. shop.. before that .. yung gasoline .. ang in charge si Buenaventura .. meron siyang background sa Caltex
 
RG       Ano bang office ninyo ang naabutan ni Olbes .. bago siya.. saan nakayo nago-office ?
LC       Doon na sa tabi ng old airport na maliit na ganoon .. pagkatapos niya si Misa ba yon .. si Dela Vega ..
RG       Ang unang acoounting yung ..
LC       Yung Bislig Inn naganon naging office yon… doon naging office ng accounting..
RG       Doon kami.. kapitbahay ko si McCaan .. kaduplex ko.. duplexes yon noong una.. sa likod naming kay .. Baring.. Marcaida.
 
LC       Noong araw .. pagkatapos ninyo dito .. may kalsada na maliit na ganoon .. dito sila Villa .. noong ikaw ay nandodoon na sa malaki nang bahay .. nandodoon ako .. sa likod naming si Baring.. tapos kalsada na naman .. doon si Lapata .. at saka si Santos .. doon sa banda roon.. si Sarmiento .. tapos naging Personnel office yung banda doon.
 
RG      Hanggang ngayon nandoon pa yun
LC       Parang security..
VBC    Si Bill Creutz naging pilot ng company..
RG       Private lang si Creutz..
 
LC       Sa roads siya .. hobby lang niya yung pagpapalipad.. alam ko pumunta kami nang Davao para bumili lang ng siopao at pansit.. yung hangin pumapasok sa loob dahil tela lang .. pagdating naming doon .. wala pa siyang license .. lumampas kami .. doon kami sa dulong dulo bumaba .. bumili kami ng siopao at pansit .. tapos bumalik na kami…
 
RG       Wala .. we did not know then the risk .. pumunta kami ng Manila .. sakay kami ng eroplanong malaki ..hanggang Cebu lang .. pero Fokker lang .. from Cebu to Mangagoy .. maliit la plane .. Otter .. likot likot po…
 
VBC    Si Vecin .. sino si Vecin
LC       Kastila kapatid ni Mrs. Teresa de Jesus .. na in charge ng Clubhouse…
RG       Yon ang nagalaga kay Dr. Limlingan .. nagkasakit si Dr. Limlingan sa puso.. hindi siya makagalaw.. kay Soriano galing ..
 
VBC  Si Inez ..
LC       Kay Olbes siya .. later she was in charge of the Guest House and Soriano .. nagtutulong tulong din siya sa Clubhouse para assistant ni de Jesus.. pag alis naman niya .. dinala siya sa Spain ni Picornell.. si Mimi Buenaventura naman ang pumalit sa kanya.
 
VBC    Na involved naman kayo sa Ladies Association..
RG       Hindi kami naging members doon .. pero pag nagorganize sila ng katulad na community library .. consultant ako..
 
LC       Maganda sana nadaanan nila yung dinaanan namin .. no water .. no light .. no roads.. walang ilaw .. coleman..
RG       Senior staff lang ang may ilaw .. lahat ng Americano..
VBC    Tubig
 
RG       Wala kaming gripo.. sumasalok lang kami .. gaganyanin mo ..
LC       Pero kami hindi sumasalok dun .. meron kaming drum ..ang ginawa ni Vicente ginamit niya yung ulan .. bumili kami ng drum .. everyday kasi umuulan.. enough for bath and for laundry .. everyday halos umuulan…
 
VBC    Lobster ..
RG       Hindi namin iniintindi ang Lobster .. hindi namin binibili yon .. nakatikim ako ng lobster sa States ..
 
LC       Ang hirap lutuin ang hirap kainin .. wala ka naman makukuha sa loob noon.. itsura lang yon.. noong araw gustong gusto ko makakain ng baka .. once in a blue moon magpapatay ng baka …gusto ko sana ng dila .. matagal na akong hindi nakakakain ng lengua .. nandodoon na noon si Carpentero na nagbebente ng baka .. pinutol ang ulo .. tapos binigay sa akin P50 na lang daw .. may utak pa yun .. may dila .. tapos yun pisngi .. masarap ikarekare .. bihira yung baboy din .. mahirap makakuha ng karne .. well .. exciting din maghintay .. after that you get to appreciate every little thing that you get ..magpapasalamat ka .. hindi katulad noong mga bagong dating na pumunta doon na nandoon na lahat .. tapos kulang pa ..
VBC    Well nag enjoy nga talaga kaming mga bata noon sa clubhouse, sa gym, sa bowling, sa fishing, sa hunting..
 
RG       Nakinabang nga talaga kayo lahat doon at libre libre lahat .. Nang buhay pa si Olbes .. ang mga gifts pag Christmas.. ang toys para sa mga anak ng employees galing pa sa States talaga. Walang ng mga toys na ganoon ngayon. Plastic na lahat ngayon.. Naalala ko yung traktorang maliit na nakuha ko .... ang gaganda ..
 
LC       Ako yung kitchen ang kinuha ko .. may stove ..may stand .. may cabinet na ganyan .. na ang maliliit na lahat ng klaseng mga delata nanduon .. ang ganda ganda talaga nung mga toys .. naku yung mga manyika .. galing sa company.... para sa lahat ng mga anak ng empleyado.
 
RG       gastos ng company .. yung kotseng maliliit .. talagang parang tunay .. gawa sa bakal..
LC       magaganda talaga yung mga regalo .. that was for some years only .. then wala na .. nagkaroon ng supot supot na lang na kung ano ano ....tapos limited pa .. pagsinasabi namin kay Olbes na .. si ano nakakuha na.. nagpuslit pa ..ang sabi niya eh theres excitement in the element of puslit .. let them.. ay naku very generous siya ..
 
VBC    Si Mr. Olbes
LC       Captain, captain si Olbes
RG       Graduate yan .. valedictorian sa PMA .. 1941 graduate, Quezon Sable ang kanya .. ang nakuha niya noon.
 
VBC    Di ba foreigner sila .. Spanish ..
LC       Hindi .. tiga Sorsogon iyan .. si Rosie .. Americana ..
RG       Hindi sina Ramon Olbes kastila talaga .. e hindi ba yung kapatid niyang Olbes ang asawa ay .. Ayala ba .. mayaman
 
LC       Tapos Vice President ng Insular noon ay si Joe Olbes ..
RG       Yun ang nakapangasawa ng mayaman .. si Rosie .. ayaw yata nila dahil Americana ..
 
LC       Ang gusto yata nila si Favis, meron silang nirereto eh .. alam mo si Mr. Olbes, istrikto pero mahal siya ng mga empleyado. Alam ang sinabi niya sa akin .. ok Letty you list down all the birthdays of the staff and every morning you put in my desk whose birthday it is .. sabi niya .. tapos tinitignan ko kung anong gagawin niya.. pag hapon pupuntahan niya .. minsan yung celebrant nag gagarden.. yayakapin niya .. greet niya ng happy birthday .. siyempre magugulat na lang yung tao .. oo pupuntahan hahakapin ka na ganyan .. may personal touch siya sa bawat empleyado .. yan ang natatandaan ko sa kanya..
 
RG       Sa gabi .. kakantahan nila..oo   with the senior staff .. 
LC       Magaling siya .. ang Christmas naming ang saya saya ..
RG       Pero istrikto
LC       Istriktong istrikto, manginginig ka nga sa takot magkamali .. .. yung Christmas namin .. magcacarol sa bawat bahay .. may dala silang whiskey .. pagkatapos pupuntahan ..RG         every owner na pinuntahan sasama kaya they end up marami na papunta sa mess hall
 
LC       tuloy kay Mrs. Trajano muna .. alam nga nila na nagluluto ng kakanin si Mrs. Trajano .. di syempre flaterred na flattered naman si Mrs. Trajano talagang naghahanda na siya..   pero ako natatandaan ko natutulog pa lang ako nakahiga kami .. alsa ng kulambo na ganyan yan sila Olbes .. paiinumin ka .. nakabata (bathrobe) ka pa ..
 
RG       oo nga .. di syempre bigla ka lang babangon .. nung nagkakantahan na kami sa sala ..eh why are your slippers .. yung isang tsinelas ni Kiel ay suot ko yung sa isa sa akin ay suot niya .. why ? ayun tawa ng tawa sila…what side of the bed did you get out ..
 
LC       kasi natutulog ka gigisingin kayo eh.. pagkatapos kung ano yung damit mo .. halos di ka makapagpalit na .. punta na sa susunod na bahay .. may dala silang sako magbibigay ka doon na ganoon … doon kukuha ng pagpaggawa ng simbahan .. oo nakapagpaggawa na ng simbahan .. ..pagkatapos paiinumin kang pilit ng one shot .. tapos tuloy na kami kay Mrs. Trajano .. nakasalampak kami sa sahig .. tuwang tuwa naman si Mrs. Trajano na kilala na siya ng lahat na meron siyang suman, bibingka, na mga kung ano anong kakanin .. maganda masyado .. close na close kami .. naku talagang one big family.

RG       one big family nga .. at saka walang kuwan .. ano noon .. everybody was sincere .. to everybody .. ganoon ang ginawa ni Olbes .. nawala yun ng nawala si Olbes ..
 
" A time of inocence.....a time of confidence !"